Setyembre 18, 2015

Ang Aming Paaralan

      Ang aming paaralan ay araw-araw mong makikita na maayos at malinis na lugar: malinis ang mga opisina at klasrum, punong puno ang mga lupa ng mga halaman o mga berdeng bagay. Dito lahat ay ligtas at malayo sa sakit. Kompleto sa facilidad kaya lahat ng pangangailangan ng estudyante sa pag-aaral ay naibibigay. Madami kang makakasalamuha na guro na matatalino kaya ang kinabukasan ng mga mag-aaral ay nasisigurado.Para maniwala ka sa mga pinagsasabi ko,tara at tayo ay mamasyal sa aming paaralan.




Ito ang Chapel ng aming paaralan. Kadalasan dito nagaganap ang misa. Dito nagdadasal ang mga estudyante.
Ito ang entrance ng aming paaralan. Hindi makakapasok ang isang estudyante kung hindi niya dala ang i.d niya.Hindi ka rin makakapasok kung, hindi angkop ang iyong kasuotan. Para sa mga bibisita, kailangang kumuha ng visitor pass sa mga guwardiya na iyong makikita para ika'y makapasok.

Pagpasok mo sa may entrance , makikita mo sa iyong kaliwa ang Statue ng nakatuklas ng CICM. Ang statue na ito ay paalala sa nakatuklas sa CICM at bilang pasasalamat na rin sa kaniya. Kilala mo ba siya? Siya si Theophile Verbist.
Sa iyong kanan naman ay makikita mo ang sikat na sikat na cafe. Kapag pumasok ka dito sasabihin nila sa'yo na "richkid" kasi dito madalas tumambay ang mga estudyanteng maraming pera.Ito ay naipatayo lamang noong nakaraang taon.
Kapag ipagpapatuloy mo ang paglalakad, bubungad sa iyo ang  mga poster na kung saan ipinapakita ang listahan ng mga aktibidad o proyekto na nagawa ng aming paaralan. Mapalabas man o loob ng paaralan.
Nakikita mo ba yan? Ang ganda di ba? Ang ganda ng background. Dito madalas tumambay ang mga estudyante pag umaga lalo na kapag may hinihintay silang kasama.
Mas maganda ito kapag gabi. Sa bawat puno may mga ilaw na iba't iba ang kulay na nakakabit. Pag nailawan ang mga ilaw na iyon, ika'y mamamangha dahil sa ganda nito.
Ang larawan sa taas ay ang aming Accounting Office. Dito kami nagbabayad ng aming mga tuition fee at lahat ng bayarin sa eskuwelahan.
Ito ang tinatawag naming "Peace Garden". Madaming puno at halaman ang iyong makikita. Dito ay tahimik at makakapag-isip ka ng maayos. Maganda ang atmosphere. Mapayapa.
Pwede rin itong dating place ng mga nagmamahalan.


Ito ang first floor ng aming library. Dito makikita ang mga libro na sinulat ng mga banyaga o Amerikano.
Ito naman ang second floor ng aming library. Dito mo makikita ang mga reference book at dito pwede kang magsearch sa internet pero bawal ang magfacebook at magyoutube. May third floor pa pero dahil sa katamaran ko hindi na ako pumunta. Sa third floor doon mo makikita ang mga Filippiniana boks at novels at pastoral books.
At ito naman ang aming kantina. Malawak at madaming mabibili na swak lang sa iyong bulsa.May pinapatupad dito na patakaran, tinatawag itong CUAYLe- Clean Up After You Leave.
Kaya tandaan mo pag gusto mong kumain dito , bago umalis maglinis.
Sa tapat ng aming kantina, iyong makikita ang nalarawang nasa taas. Dito madalas magtry-out o maglaro ng volleyball ang mga varsity ng aming paaralan. 


Madaming pang ibang lugar na magaganda ang iyong makikita sa aming paaralan pero iyan lang muna ang aking maibabahagi sa iyo sa ngayon.


AT DITO NA NAGTATAPOS ANG ATING PAMAMASYAL. HANGGANG SA MULI :)

1 komento: