Setyembre 28, 2015

PAG KASAMA KA

Ang tunay na mga kaibigan, mahirap ‘yan hanapin. Para kasi silang ‘treasure’ na kailangan pang sisirin mula sa ilalim ng karagatan. Marami ka munang pagdadaanan. Matagal bago mo sila mahanap. Mapupunta ka sa tipong akala mo ayun na, pero nagkamali ka lang pala. Hindi pa ‘yun yung tunay. Replika lang yun na sumusubok sa katatagan mo.Pero kahit gaano kahirap at katagal ang danasin mo, pag nakita mo na yung
tunay na hinahanap mo.. Pag kasama mo na sila. Pag sigurado ka ng sila ‘yun, sulit lahat ng pinagdaanan mo. Parang balewala na lang ‘yun kasi masaya ka na e. Wala ka ng hihilingin pa! No pain, no gain nga diba?
Ako? Ikaw? Tayo? Ano sa tingin mo, nahanap na ba natin sila? Oo. Alam kong maaga pa para sabihin pero alam kong ito na ‘yun. Mga bata pa nga tayo pero hindi naman yung rason para hindi makahanap ng tunay
na mga kaibigan. Sabi nila, pag tumanda ka na, saka mo lang sila makikilala… Hindi rin! Para sa’min kasi, napatunayan na namin e.Oo, hindi kami perpektong magkakaibigan. Minsang napaghihiwalay pero bumabalik din. Minsang humusga at nahusgahan pero nagpatawad pa din. Minsan ng nag-away ngunit nagkakaayos din. Solid na sana ‘to. Please??


Tama na nga ang drama....
Hindi ba ang layunin ng post na ito ay ibahagi ang mga paboritong tambayan tuwing walang klase. Kaya na rito ang simpleng silip sa mga ginagawa namin tuwing walang klase
:



PEACE GARDEN.  Madalas kami dito tumatambay kung break time namin o dito kami kumakain. Dito din kami madalas nag-uusap kung may problema ang isa sa amin.

LIBRARY. Dito kami madalas gumawa ng mga assignments, projects, report atbp. At minsan  dito kami natutulog.
 TALIPAPA. Ito ang paborito naming meeting place.
 At minsan dito na rin kami gumagawa ng assignments.








 DISCUSSION ROOM. Dito kami madalas magreview ng lesson at magdicuss sa mga leksyon na hindi namin naintindihan.
CSI. Ito ang lugar na tinuturing naming stress-reliever. Dito kami madalas mamasyal lalo na kung hindi kami busy sa school.
KTV. Dito namin inilalabas ang mga  nararamdaman namin sa tulong ng mga kanta. Sa pamamagitan ng pagkanta, gumagaan ang amning pakiramdam kahit papaano.                                            

At iyan alam mo na ang mga lugar na kadalasang tambayan namin. Kaya kung gusto mo kaming makita, pwede mong puntahan ang mga lugar na nabanggit sa taas.
ADIOS!!!

Setyembre 18, 2015

Ang Aming Paaralan

      Ang aming paaralan ay araw-araw mong makikita na maayos at malinis na lugar: malinis ang mga opisina at klasrum, punong puno ang mga lupa ng mga halaman o mga berdeng bagay. Dito lahat ay ligtas at malayo sa sakit. Kompleto sa facilidad kaya lahat ng pangangailangan ng estudyante sa pag-aaral ay naibibigay. Madami kang makakasalamuha na guro na matatalino kaya ang kinabukasan ng mga mag-aaral ay nasisigurado.Para maniwala ka sa mga pinagsasabi ko,tara at tayo ay mamasyal sa aming paaralan.




Ito ang Chapel ng aming paaralan. Kadalasan dito nagaganap ang misa. Dito nagdadasal ang mga estudyante.
Ito ang entrance ng aming paaralan. Hindi makakapasok ang isang estudyante kung hindi niya dala ang i.d niya.Hindi ka rin makakapasok kung, hindi angkop ang iyong kasuotan. Para sa mga bibisita, kailangang kumuha ng visitor pass sa mga guwardiya na iyong makikita para ika'y makapasok.

Pagpasok mo sa may entrance , makikita mo sa iyong kaliwa ang Statue ng nakatuklas ng CICM. Ang statue na ito ay paalala sa nakatuklas sa CICM at bilang pasasalamat na rin sa kaniya. Kilala mo ba siya? Siya si Theophile Verbist.
Sa iyong kanan naman ay makikita mo ang sikat na sikat na cafe. Kapag pumasok ka dito sasabihin nila sa'yo na "richkid" kasi dito madalas tumambay ang mga estudyanteng maraming pera.Ito ay naipatayo lamang noong nakaraang taon.
Kapag ipagpapatuloy mo ang paglalakad, bubungad sa iyo ang  mga poster na kung saan ipinapakita ang listahan ng mga aktibidad o proyekto na nagawa ng aming paaralan. Mapalabas man o loob ng paaralan.
Nakikita mo ba yan? Ang ganda di ba? Ang ganda ng background. Dito madalas tumambay ang mga estudyante pag umaga lalo na kapag may hinihintay silang kasama.
Mas maganda ito kapag gabi. Sa bawat puno may mga ilaw na iba't iba ang kulay na nakakabit. Pag nailawan ang mga ilaw na iyon, ika'y mamamangha dahil sa ganda nito.
Ang larawan sa taas ay ang aming Accounting Office. Dito kami nagbabayad ng aming mga tuition fee at lahat ng bayarin sa eskuwelahan.
Ito ang tinatawag naming "Peace Garden". Madaming puno at halaman ang iyong makikita. Dito ay tahimik at makakapag-isip ka ng maayos. Maganda ang atmosphere. Mapayapa.
Pwede rin itong dating place ng mga nagmamahalan.


Ito ang first floor ng aming library. Dito makikita ang mga libro na sinulat ng mga banyaga o Amerikano.
Ito naman ang second floor ng aming library. Dito mo makikita ang mga reference book at dito pwede kang magsearch sa internet pero bawal ang magfacebook at magyoutube. May third floor pa pero dahil sa katamaran ko hindi na ako pumunta. Sa third floor doon mo makikita ang mga Filippiniana boks at novels at pastoral books.
At ito naman ang aming kantina. Malawak at madaming mabibili na swak lang sa iyong bulsa.May pinapatupad dito na patakaran, tinatawag itong CUAYLe- Clean Up After You Leave.
Kaya tandaan mo pag gusto mong kumain dito , bago umalis maglinis.
Sa tapat ng aming kantina, iyong makikita ang nalarawang nasa taas. Dito madalas magtry-out o maglaro ng volleyball ang mga varsity ng aming paaralan. 


Madaming pang ibang lugar na magaganda ang iyong makikita sa aming paaralan pero iyan lang muna ang aking maibabahagi sa iyo sa ngayon.


AT DITO NA NAGTATAPOS ANG ATING PAMAMASYAL. HANGGANG SA MULI :)